sa dalawang kwentong nabasa ko, makikita natin ang pagiging isang tunay na pilipino. ayon sa storya ni bulosan (my father goes to court), ang mga pilipino daw, kahit gano kahirap ang buhay, makukuha pa rin nitong tumawa at ngumiti. di nga kaila na kahit gaano kabigat ang ating problema, nakukuha pa rin nating ngumiti. kahit mawalan ka pa ng alagang aso, makukuha mo pa ring tumawa. sa pangalawang storya na isinulat ni arguilla (how ny brother leon brought home wife), makikita na ang isang tipikal na pamilyang pinoy ay pinamumunan ng isang ama. ang kanyang mga desisyon ang nasusunod, at walang hindi susunod sa mga nais nito. masasabi ko na ang dalawang katangiang naipakita sa dalawang istorya ay tunay at di na nga maaalis sa ating mga pilipino. ang ugaling ito's naipamana na sa atin at maipapaman pa natin sa ating mga anak.
habang nagbabasa ako nung dalawang storya, aking napagtanto at napag lakbay-isip kung ano nga ba ang tunay na pilipino. ano ang kanyang tunay na ugali. mabait? masipag?masasabi mong pinoy ka kung mahusay ka sa tinatawag nilang DISKARTE. sa kahit anong gusot, alam mo kung pano lumusot. kahit makaabala ka pa ng ibang tao, basta lang makalusot ka lang sa gulong napasukan mo. pag kinulang ka na sa diskarte, lalabas ang isa pang katangian ng mga pinoy, ang pagkakaroon ng takot sa diyos, kahit na ngayon pa lang ay sinusunog na ang kaluluwa mo ng mga tropa ni taning sa dami ng kasalanan mo, marunong ka pa ring tumawag sa may kapal upang isalba ka sa mainit na apoy dahil alam mong kahit napaka makasalanan mo, ay ililigtas ka pa rin nya kahit na anong mangyari. ang pinoy, pag nagigipit, pag wala ng bumbay na malapitan, pag wala ng raket na masasalihan, pag wala ng diskarteng mahahain at pag naubos na ang mga alak sa bote ay tatawag na sya sa panginoon.
yan ang tunay na pilipino, kahit ang pagtawag sa panginoon ay kasama sa diskarte nya, pero alam nya kung kelan tumawag sa lifesaver kapag naubusan na ng dagat na lalanguyin.